Kung mapapansin niyo, trend ngayon sa mundo ng potograpiya ang pagkuha sa sarili ng lirato sa harap ng salamin. Marami na ang nagkalat ngayon sa facebook na mga ganitong litratong kuha sa salamin mula sa sariling banyo, sa mga public CR, salamin sa gym, sa tinted na bintana ng sasakyan at kung saan-saan pang lugar na maaari kang magkakuha ng sariling repleksyon.
Usually, mga babae ang gumagawa nito para makita nila kung gayang-gaya ba nila ang pouty lips ni Angelina Jolie o nagmumukha na silang pato. Pero papaano kung kalalakihan naman ang gumawa nito? Isa lang naman ang dahilan kung bakit kinukunan ng mga lalaki ng litrato ang kanilang sarili sa harap ng salamin at ito ay upang maipagmayabang nila sa buong mundo ang biyaya ng Diyos na naipagkaloob sa kanila na pinaghirapan nilang mapaganda. At siguradong akong magugustuhan mo ito: